Linggo, Oktubre 16, 2016

Performance Task in Filipino

Mga Tula:
 
"Si Pele, ang Diyosa ng Apoy at Bulkan"
Isang napakagandang dalaga,
Ang aking nasilayan 
Mula sa isang isla, 
Pele ang kaniyang ngalan.

 Minsa'y napakaselosa 
Kahit sa kaniyang kapamilya
Isang dyosang pinagmulan 
Ng apoy at bulkan.


 "Pokus ng Pandiwa"
Kung ating iisipin 
Madalas itong gamitin 
Mga salitang kilos 
Na wika'y isinasaayos 

Mga pandiwang ito 
Na minsa'y talagang nakakalito 
Aktor, Layon 
Salitang inaaksyon. 



"Macbeth"
Isang Scottish Na istorya 
Na minsa'y sa mga tao nagpasaya 
Ngunit sa paglipas ng oras 
Sumpa raw ay dinadanas 

Pangala'y di pwedeng banggitin 
Sapagkat ikaw ay maaaring malasin 
Mag ingat sa iyong salita 
Para ika'y maligtas sa sakuna


"Mga Uri ng Dulang Pantanghalan Ayon sa Anyo"
Sa mga tao'y nagbibigay ng walang sawang aliw, 
Hangga't di bibitiw 
Sa mga uri ng dula 
Na talagang nakakatulala 

Walang pwedeng magawa 
Sa walang sawang pagpatak ng luha 
Ma pa trahedya,
O ma pa komedya.


"Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan"
Isang buhay na marangya 
Ang aking hinahangad 
Isang trabahong masaya 
Kahit buwis buhay ang katulad 

Maging isang sundalo ang aking panagarap 
Kahit mahirap abutin, aking sinikap 
Ngayon ako'y sundalo na 
Bakit ako naghahangad pang maiba? 


"Idyoma"
Mga salitang 
Malalalim ang kahulugan 
Sa isip ay nakapaglilinang 
Tila mayroong pinaghuhugutan. 

Mahirap intindihin 
Kung hindi isasaisip 
Madaling sabihin 
Ng mga taong inip 


"Tayutay"
Uri ng pagpapahayag 
Sa akin ay itinuro 
Isip ay naglalagalag 
Dahil sa turo ng aking guro 

Mayroong paghahambing 
Na tinawag na pagwawangis 
Paglalabis o pagkukulang 
Ay tinawag na pagmamalabis.  


 "Ang Kuwento ng Isang Oras"
Mahirap paniwalain 
Sa bagay na babawiin 
Paliwanag ay aanhin 
Kung salita ay kinakain 

Masayang maging malaya 
Mula sa buhay na nakatali sa tanikala 
Ngunit kung ito'y hindi totoo 
Parang winawasak ang aking mundo. 



Sanaysay:

Madami mang pagsubok sa buhay ang ating kinakaharap o kakaharapin, mas mabuti kung haharapin natin ito bilang isang buong pamilya. Huwag tayong tumulad kay Pele at Namaka na pinairal ang mga galit na nagmumula sa kanilang isipan kaysa pakinggan ang pagmamahal na tinitibok ng kanilang mga puso. Kahit anong mangyari, pamilya parin ang pinakamahalaga sa lahat, sila yung mga taong handang dumamay sa atin sa kalungkutan man o kasiyahan, handang tumanggap sa atin sa kabila ng mga pagkakamali at pag kukulang natin. Pahalagahan natin ang pamilya natin, dahil sa huli sa kanila parin tayo kukuha ng lakas para makabangon sa tuwing madadapa tayo sa buhay, sila parin ang matatakbuhan natin sa tuwing may problema tayo. 


Kung minsan nakakalito talaga ang mga Pokus ng Pandiwa pero mahalaga parin ito upang maging malinaw ang ating mga pangungusap, upang maintindihan tayo ng lubusan ng ating mga kausap o taga pakinig. 


Isang madugong istorya ang Macbeth, ngunit ito ay talagang kapupulutan ng matinding aral. Sa tuwing gagawa tayo ng isang hakbang sa buhay, mas mainam na pag isipan talaga natin itong mabuti, kung mabuti ba o masama ang kahihinatnan ng mga gagawin natin. Dahil kung ano ang ginawa mo sa iyong kapwa ay siya ring mangyayari sa iyo, masama man ito o mabuti.


Maraming uri ng dula ang atin nang napag aralan o narinig. Ngunit ano nga ba ang kahalagahan nito? Bakit nga ba natin ito kailangan pang pag-aralan? Mahalagang malaman natin ang bawat uri nito dahil ito ay isa sa napakaraming naimbento ng ating mga ninuno. Sa pamamagitan ng pag aaral dito, maaari nating maipakita kung paano natin pinapahalagahan ang mga nagawa ng mga tao noong unang panahon. Ang dula rin ang isa rin sa mga pangunahing dahilan kung bakit sumasaya ang mga tao noon at ngayon.


 Lahat naman siguro ng tao ay may pangarap sa buhay, nais nating maging isang Sundalo, Pulis, Doktor, Guro at marami pang iba. Hindi naman natatapos mangarap ang isang tao, palaging meron at meron paring kulang sa atin, kahit halos lahat ng bagay ay nasa atin na, lahat ng kailangan natin sa buhay ay nasa paligid lamang natin, ngunit hindi talaga natin maiwasang maghangad ng mas mataas pa katulad na lamang ng tulang pinamagatang "Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan" nais niyang maging sundalo, ngunit nung siya ay isa ng ganap na sundalo, hindi parin siya naging kuntento, hindi parin siya naging masaya. Sadyang ganan ang tao, ngunit masama para sa ang laging maghangad ng higit pa, dahil kung minsan ito ang nagiging ugat ng kasamaan. Dapat tayong makuntento sa buhay, sa kung ano ang meron tayo. Kung sapat na naman, bakit pa tayo naghahangad ng mas mataas? Hindi naman natin kailangang malagpasan ang iba. May kaniya-kaniya tayong galing at talino, iba iba tayo ng pananaw at paraan sa buhay, kaya hindi natin kailangan laging maghangad ng iba pa, matuto tayong makuntento. 


Tayutay at idyoma mga salitang may malalalim na kahulugan at kung minsan ay maaaring makasakit ng ating kapuwa. Ngunit mahalaga paring malaman o pag aralan dahil parte ito ng ating panitikan at itinuturing din ito bilang isa sa mga elemento ng tula. 


Ang Kuwento ng Isang Oras, mapalad tayo dahil may nagmamahal at handang mag mahal sa atin. Dipende na nga lang talaga sa atin kung gusto rin natin sila. Minsan talaga kahit anong gawin nating pilit sa ating mga sarili ay hindi talaga natin magawang magustuhan ang isang bagay o isang tao. Kung magmamahal tayo, siguraduhin natin na doon tayo masaya, dahil mahirap ipilit ang isang bagay na hindi naman talaga natin gusto. Walang mangyayari kung pipilitin lamang natin ang ating mga sarili. 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento